The Table is now Open…
[currently listening to: Tattoo Kiss | Mizue]
Nakakaloka ang araw na ito. Nagkaroon kami ng Diagnostic Tests sa iba’t ibang subject [even having a chitchat while taking the exams]. Of course, mahirap dahil hindi pa kami familiar doon. Lalo na ung Araling Panlipunan which will tackle on Asian History.
And good thing, masyado akong adik kay Itachi!! Nakatulong ang aking pinakamamahal na Naruto character! Sa Asian History pa. Hindi ko inaasahan na sa isang tanong doon ay matutulungan ako ni Itachi.
May tanong kasi doon na may isang emperor sa Japan noong unang panahon na nanggaling sa isang sun goddess, at tinanong kung sino ito. Hindi mo ba akalain na si Itachi ang makakasagot sa tanong na ito!![pang-ilan ko na un sinabi? Whatever.] Technique lang niya ang katapat! w00t! Ametarasu lang ang sagot! HA! Ang galing noh? Kung moon goddess ang itatanong, si Tsukoyume ang sagot!Totoong legend myth sila kasi. Saan ko ba nabasa? Basta, ganun un.
Pagkatapos ng ilang mga Diagnostic Tests, botohan ng mga class officers at club officers. As usual, Science, este Bio Club ako. Loyal na loyal. Hehehe… Well, vice president ako sa year level, at Second year Representative. Ui, improving sa ranks! Joke! Vice president din ako sa classroom. Ayos na, pwede na yun. Basta magkatotoo lang ung gusto ko na Anime-inspired Christmas Party. Gusto kong maging Program and Decors Chairman ulit! Maganda naman ung nagawa ko last year, so sana, hanggang ngayon.
Un lang, wala masyadong nangyari ngayun. Siguro bukas. And as usual, hindi pa ako nagawa ng assignments. Hehehe… sa Thursday pa naman eh. Mamaya na lang siguro.
Nanonood ako ng Kapamilya, Deal or No Deal. Interesting talaga ung gameshow na un. Super! And I love it. Kris really deserves to have the title: Queen of Game Shows. I kinda like her na… sa KDorND… XD
…Plug-gations ni Keia, for Second Time Around…
By the way, meron siyang friend, si ate Nagi, na kasali sa isang Web Competition. Ito ang sitey ni ate Nagi: A GetBacker’s Thread of Thoughts. It’s nominated as Best Layout; Best Site Name; Best Freeserver; and Best Overall.
Pwede kayong bumoto dito: here. Don’t forget ha! Boto niyo siya! Voting lasts for only 1 week, and you still have until Sunday!!
~ * ^ ^ ^ * ~
[curently watching: Kapamilya, Deal or No Deal | ABS-CBN, Channel 2]
logging out…