PBBTE’s Big Night, Big Nightmare?
[currently listening to: Sore Ga, Ai Deshou | Shimokawa Mikuni]
I wasn’t expecting na magiging ganoon kaingay sa Big Night yesterday sa Aliw Theater. Nakakainis, ang malas ng pwesto namin. Katapat pa namin ay ang mga naturingang taga-La Salle na mga Kim-Gerald fans. Kadiri… Nakakahiya, lalo na yung isa. Walang magawa, walang kahihiyan, walang kwenta. Tsaka ang batang kasama nila. Talagang, nakakairita.
Isipin mo ba naman, isang estudyante ng La Salle, gagawa ng iskandalo sa harap ni Toni Gonazaga at sinasabing malisyosa at ambisyosa siya? Ang kapal, sinasabi ko! Siguro hindi rin inaasahan ni Toni yun, promise! Sinasabi ni "La Salle student" un tuwing commercial break at habang nagre-ready sila Toni, Mariel, at Bianca. Pero buti nga sa kanya, hindi siya pinapansin ni Toni nung sinabi niya ulit sa pangatlong pagkakataon. Dahil nung umpisa niya un sinabi, bago mag-Grand Entrance si Toni. Ang pangalawa, ay ung commercial break after nung Intermission number. Sabi pa nga ni Toni, "HU!". Paglabas namin ng Aliw, pinaringgan ko nung nasalubong namin. Habang naglalakad kami nila Jerice at Micah, sinabi ko, "Sayang, naturingang taga-LA SALLE." Nakakagigil.
Yung bata namang kasama nila, "TONI!" ng "TONI!". Aba! Akala mong papansinin siya ni Toni, pati ung katabi ni Jerice na "TONI, KANTA KA NAMAN!". Pinagbibigyan naman sila ni Toni nung umpisa, pero nung mga sumunod na, hindi na. Masyadong demanding eh!
Pero in fairness, nag-enjoy naman ako. At alam ko na ang arrangement ng mananalo sa big screen sa loob ng theater. Langya, walang thrill, pinakita ba naman ung arrangement nung boxes with the pictures of BIG 4. Kaya nung pinapakita ung number of text votes, alam na kung sino ang mananalo. Pero masaya ako dahil hindi naabutan ni Gerald si Mikee. Buti nga sa mga Kim-Gerald fans. Akala nila si Gerald at Kim ang maiiwan sa loob ng Castle Confession Room. Haha…!
At sayang nga lang, hindi ko nakita si Sir Monty. Haayy… Ayos lang, makikita ko rin siya sa susunod. Haha!
[currently listening to: Houki Gumo | RYTHEM]